Kasabay ng pagpagaspas ng pakpak, Paulit-ulit kong ibinubulong na hindi na’ko iiyak. Ngunit sadyang ang hirap pigilan ng pagpatak, Waring ang bawat butil ay wala nang galak.

Nung napili kong iwanan ka, Hindi ko maiwasang ikumpara ka sa kanya. ‘yung taglay mong kagandahan, kalinisan Wala s’ya nun ‘yung taglay mong kabutihan, kagandahan, kapayapaan Wala s’ya nun

Kaya sa bawat segundo, oras, araw, linggo, at buwan na dumadaan Di ko maiwasan na balikan Yong nakaraan

Sa tuwing maaalala kita ‘yung lungkot, nagiging ligaya Sana ganun ka rin sa’kin,

Sa tuwing makikita kita lahat ng problema ko ay nawawala Sana ganun ka rin sa’kin,

Sa tuwing kasama kita alam kung ligtas at payapa Sana ganun ka rin sa’kin, kasi ganun ako sa ‘yo.

Hindi ako magsasawang sariwain ang nakaraan, Sulitin ang kasalukuyan, At maghintay sa kinabukasan, Hindi ako magsasawang ulit-ulitin ang mga katagang Ikaw at ako, hanggang sa mabuo ang salitang…..TAYO” Ikaw, ako… ako ‘yung ibong dumayo sa napakaganda mong paraiso, Ako yung ibong dumadayo sa napakalinis mong ibayo, At ako ‘yung ibon na patuloy na dadayo. Kahit alam ko na malayo.

Walang matinding sikat ng araw, Makapal na ulap Malakas na alon ng dagat at malakas na hangin Ang makapipigil sa akin. Sa paglipad sa himpapawid,
Lilipad nang lilipad na kasing bilis ng “Peregrine Falcon.” Hindi hihinto hanggang sa marating ko ang dulo ng nayon Kung saan tanaw ko ang bahaghari na kasingganda ng “Mandarin Duck.” Ngunit ngayon ay nag “Ivana See Cock.” Nakatitig na lamang sa “Wood Duck Pair” na mayro’ng kaparis Di tulad ko na malungkot, parang “Finches.”
Ang tanging hiling ko lang sana ay mapatawad mo ako Patawad kung umalis ako Patawad kung kinakailangan kong gawin ito. Oo inaamin ko lumisan ako, pero babalik din ako. “Wag kang mag-aalala di pa ito ang dulo, babalik din ako.
Hangga’t itim pa ang uwak Hangga’t puti pa ang tagak Hangga’t wala pang alikabok sa ilalim ng dagat Hangga’t di pa sementado ang malawak na gubat Hangga’t patuloy pa ako sa paghinga Patuloy kang umasa na ako’y babalik pa.
Pero sana… Sana sa pagbalik ko nariyan pa ang malinis na karagatan Sana sa pagbabalik ko, nariyan pa ang mga puno at halaman Sana sa pagbalik ko, mayroon pang malinis na hangin Na dadampi sa aking katawan Araw na masisilayan Malinis na kapaligiran Mga taong nagpapahalaga sa kalikasan Sana, sa pagbalik ko gaya pa rin nung nakaraan.

Julie Q. Rodriguez|Teacher II|City of Balanga High School|Balanga City, Bataan
+ posts