SERBISYO SA MAG-AARAL SA LOOB AT LABAS NG PAARALANPAGBIBIGAY PUGAY SA  MGA GURO

Ang dedikasyon ng mga guro sa pagtuturo ay walang kapantay.Ginagawa ng mga guro ang kanilang galing, husay at tiyaga sa larangan ng pagtuturo.Iba’t ibang istratehiya ang ginagamit upang mapanuto ang mga mag-aaral.Kaya nasasabik ang mga mag-aaral sa pagkatuto mula sa kanilang mga guro.Nililinang din ng mga guro ang kakayahan at talento ng mga-aaral upang lalong pagyamanin ang taglay nilang galing at kakayahan.  Ang mga guro ay patuloy na sumusubaybay sa kanilang pag-aaral at paglinang ng kanilang mga kakayahan.Hindi lamang sa loob ng paraalan nagseserbisyo ang mga guro, nagkakaroon din ng mga proyekto sa labas ng paaralan na ang layunin ay makatulong din sa mga mag-aaral.Kaya naman nakatutuwa na kahit nasa labas na ng paaralan ay naglilingkod ang mga ulirang guro.

Ang halimbawa nating proyekto ay “Uniporme Para sa Estudyante”. Ito ay naisakatuparan ng BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL-JHS kasama ang Filipino Department.Ang proyektong ito ay naging matagumpay sapagkat napagkalooban ng uniporme ang mga mag-aaral sa barangay Central ng Balanga City noong nakaraang taon 2022-2023.

Nais ng paaralan at mga guro na makatulong sa mga mag-aaral na naninirahan sa barangay Central nang sa ganoon ay mapukaw ang interes ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

Ang ikalawang halimbawa na proyekto ay ang “We teach, We Care, We Help” A community Service and Service -Learning Project.”Tagumpay din ang gawain na ito ng mga guro sa BNHS-JHS na sina Mam Gemma Manalo, Mam Melanie Carlos, Mam Nerissa De Jesus, Mam Leilani Manandic at Mam Michelle Perdio noong nakaraang taon 2022-2023, ang kanilang mithiin ay makatulong at makapagbigay ng kasiyahan sa mga mag-aaral natin na nasa Bangkal at ilang mga kabataang napabilang.Nakatutuwa na isa tayo sa nagiging inspirasyon at nagiging gabay tungo sa kanilang mga pangarap. Nakikiisa ang Bataan National High School -JHS sa mga pangarap na ito para sa kabataan katulad nila.

Ilan lamang ito sa mga proyekto na isinasakatuparan ng mga mga guro sa labas ng paaralan dahil nais ng mga guro na mahikayat pa ang mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pag-aaral.Nagsisilbing lakas ng loob ng mga mag-aaral ang ganitong mga proyekto na kahit nasa labas na sila ng paaralan ay may mga proyekto na naiisip para tulungan sila at para mapasaya sila ng mga guro.

Ipinamalas sa mga nabanggit na mga proyekto na kahit nasa labas ng paaralan ay hindi tumitigil ang mga guro sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mag-aaral lalo na kung nakikita nilang napapasaya at nagkapagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan. Kaya’t bigyang pagpaparangal ang mga masisipag at matiyagang guro na hindi lamang sa loob ng paaralan nagseserbisyo, bagkus nakakapagbigay ng paglilingkod sa mga estudyanteng nangangarap na maging matagumpay balang araw.

MICHELLE P. PERDIO|TEACHER II|SDO BALANGA CITY|BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL-JHS
+ posts