Pagkatapos ng Graduation sa mga paaralan, ang binabalak naman ng nakararaming pamilya ay ang pagkakaroon ng isang masaya, ligtas at kasiya siyang summertime. Sa buong taon, ang mga buwan ng Marso, Abril at Mayo ang panahon ng pagrerelax, paglilibang, pagbabakasyon, pagaalis ng mga dalahin at alalahanin sa buhay, pagkatapos ng halos buong taong paghahanap buhay o pag aaral. Isa din ito sa pinakapaboritong parte ng taon.
Narito ang ilang tips para sa isang summertime na kasiyasiya.
1. Siyempre, kailangan nating ilabas muli ang ating mga maninipis at magagaan na damit upang tayo ay magkaroon ng preskong pakiramdam.
2. Uminom ng maraming tubig upang hindi madehydrate o matuyuan ng tubig sa katawan.
3. Ang mga gawain ay gawin ng umaga o gabi hanggat maari.
4. Magpahid ng losyon na may mataas na SPF level.
5. Magsuot ng sunglasses at sombrero kung maglalagi sa labas
6. Iwasan ang pagkain ng sobrang karne, sa halip prutas at gulay ang dagdagan.
7. Iwasan ang sobrang paginom ng mga inuming may mataas na antas ng caffeine.
8. Kung pupunta sa mga beach, huwag magtatangkang lumangoy magisa kung hindi marunong lumangoy.
9. I-tsek mabuti ang sasakyan bago magbiyahe.
10. Magdala din ng First-Aid kit.
11. Huwag kalimutang magdasal bago magbiyahe para sa isang payapang paglilibang.
Tayo na at maglibang! Enjoy!
By: Maria Teresa Perez | Hermosa National High School | District 1