Lahat tayo ay hindi ligtas sa pagkasawi ng puso. Kaya naman ang artikulong ito ay may layuning makapagpagaan ng loob  sa mga taong nakaranas ng “heartbreak, upang makakuha ng ilang mga gabay upang malampasan ang sugatang puso.

Una mahalin ang sarili,sa halip na magmahal ng iba pag-ukulan ng pansin ang paglago ng iyong sarili tulad ng pagkain ng masusustansyang pagkain,sapat na tulog,at ang palagiang ehersisyo.

Ikalawa, iwasang humanap na mapagbabalingan muli ng pagmamahal o ang tinatawag na “rebound.”Bago ka pumasok muli sa isang relasyon siguraduhin na naka-move- on ka na.Hindi patas na kaya mo lamang siya minahal dahil nangungulila ka sa dati mong minahal.Pag-aralan na maghilom ang nawasak na puso.

Ikatlo,itapon na ang mga alaalang naiwan,hindi makatutulong kung nakikita mo ang mga bagay na magpapaalala sa iyo sa nakaraang karanasan mo.

Ikaapat,magpokus ka sa iyong misyon,sikapin na marating mo ang iyong mga pangarap sa buhay.Ipamalas mo ang iyong galing at husay para mapagtagumpayan mo ang hinahangad mong pangarap sa buhay.

Ikalima,matutunan na mapahalagahan ang kagandahan ng buhay.Ang mga pinagdadaanan mo ay mayroong dahilan,kaya kailangan mong  magpokus  sa iyong  buhay. Bigyan mo ang iyong sarili ng panahon kasama ang iyong kaibigan o pamilya.

Ika-anim,tanggapin na maaaring hindi kayo ang nakalaan sa isa’t isa.Ang pagtanggap ang susi para sa mabilis na pag-move- on.Pagkatapos ng mapapait na karanasan unti unti mong makikita ang magagandang karanasan na iyong haharapin sa buhay.

Ikapito,matutong magpatawad at kalimutan ang nakaraan.Ito ang makatutulong sa iyong para malampasan mo ang tinatawag na “heartbreak” .Mahirap magpatawad pero unti- unti magagawa mo ito.

Panghuli,matutunang mahalin ang Diyos,ang pagkawasak ng puso ay dumadaan lalo na sa mga kabataan.

Subukang maglaan ng panahon sa ating Diyos,magdasal at dumalo sa pagsisimba/pagsamba upang maibalik mo ang ugnayan sa Diyos.

Ang mga susing nabanggit ay maaaring makatulong sa mga taong dumaranas ng heartbreak. Makatutulong din ang mga ito upang matulungan mo ang iyong sarili na maging “matured” at maging malaya sa pagdedesiyon.I-angat mo ang iyong sarili, na may positibong pananaw sa buhay at may tinatahak na magandang simula o pagbabago sa iyong sarili.

MICHELLE P. PERDIO|TEACHER II|SDO BALANGA CITY|BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL-JHS
+ posts