Mga kids alam nyo ba kung saan ang Dambana ng Kagitingan?
Ang Dambana ng Kagitingan o ang Altar Shrine of Valor ay matatagpuan sa pinakatuktok ng Mt. Samat sa bayan ng Pilar,Bataan.
Ito’y isang matatawag na maluwalhating memorial sa isang magiting na kampeon ng kalayaan.
Sa mga gulod ng Mt. Samat sumuko ang 70,000 mandirigmang Amerikano at Pilipino sa nga lumusob na hapones.Ito ay naganap noong Abril 9,1942. Ang pagsukong ito ang naging wakas sa pagtatangol ng US Armed Forces sa Dulong Silangan noong mga unang buwan ng Digmaan sa Pasipiko.
Ang balot na ballot na marmol ng Dambana ng Kagitingan ay matatagpuan sa mismong starting point sa Mt. Samat, sa Kilometro zero.
By: Ms. Marivic M. Bagtas | Teacher III | Sto. Domingo Elementary School