1. Layunin:

–      Tumutukoy sa iyong mga adhikain at mga balaking nais mong maisakatuparan sa iyong buhay, kaylangan ito ay S.M.A.R.T ( Specific, Measurable, Attainable, Realistic, Time-bound )

  1. Paksa:

Ang Iyong Buhay

  • kaligayahan
  • katagumpayan
  • kaunlaran

 Sanggunian: Ang Banal na Kasulatan

Mga pahina: lahat, bukas sa lahat ng oras

 Kagamitan: pamilya, edukasyon,kalusugan, propesyon o hanapbuhay, talento,

Mga kaibigan, mga mabubuting pagpapahalaga, kagandahang asal

 Nilalaman:

 Pangganyak

Ang mga nagsisilbi mong inspirasyon sa buhay. Ang iyong pamilya, mga kaibigan,at higit sa lahat ang Diyos na nagbigay sa iyong buhay.

 Balik-aral

Ang pagbabalik-tanaw at pagmumuni-muni sa mga kamaliang iyong nagawa upang ito’y itama at di na muling gawin at matuto mula sa mga aral na natamo sa karanasan. Ang mga magagandang karanasan na naging bahaging iyong buhay na sa tuwina ng iyong maalala ay nagbibigay lakas sa iyo upang lalong pagibayuhin ang lahat ng iyong mga Gawain.

 Pagtalakay sa Paksa

Ang mga pamamaraang iyong ginagawa sa pagpapatakbo ng iyong buhay, kabilang ang katatagan ng kalooban, kalakasan ng pangangatawan, pagiging malawak na kaisipan, pagpapaunlad ng mga talento at kakayanan, pagsisipag sa hanapbuhay o propesyon, mabuting pakikipagkapwa tao, at higit sa lahat ang katatagan ng pananampalataya upang mapagtagumpayan ang anumang pagsubok at balakid upang maisakatuparan ang lahat ng mga layunin sa buhay.

 Pagbubuod

At sa bawat araw na lumilipas sa iyong buhay, anu-ano ang mga iyong napagdaanan? Anu-ano ang iyong mga natutunan?Anu-ano ang iyong mga napagtagumpayan?

 Ebalwasyon

Matapos ang lahat, haharap kaPanginoon, ano ang ginawa mo sa buhay naipinahiram Niya sa iyo?

 TakdangAralin

Magplanong mga nararapat gawin upang magkaroon ng isang buhay naganap at kasiya-siya.

By: Ma. Leonora C. Balcos | Teacher II | Gabaldon Elementary School, Limay, Bataan

Website | + posts