Kahit na alinmang bansa, saan mang dako ng daigdig ay may sariling wikang ipinagmamalaki. Tulad ng ating bansa, ang Pilipinas ay may sariling wika na naipagyayabang sa kahit kaninong lahi.
Ang wikang Filipino ay wikang ating kinagisnan. Ito ang dati nang wikang binibigkas ng ating mga magulang, ng kanilang mga magulang at maging ng ating mga ninuno noon pa mang unang panahon.
Dakila ang wikang ito sapagkat ito ang nagbibigkis ng ating mga damdamin, ang damdamin ng ating bayan na nagkakaisa sa iisang layunin tungo sa pagsulong at pag-unlad ng ating kabuhayang Pilipino. Ang wikang ito ang siyang dugong nananalaytay sa ating mga ugat upang magkaunawaang mabuti, magkapalitang kuro at magkaisa sa pagkakaunawaan bilang isang bansa.
Mahalaga ang Wikang Filipino sa ating lahi. Ito ang kaluluwa n gating bayan. Ito ang dila na naghahandog ng pagkakabigkis, pagkakaunawaan at pagiging larawan ng ating Inang Bayan.
By: Mary Ann N. Sacdalan | Teacher I | Abucay North Elementary School | Abucay, Bataan