Image

Play Now

 

Orion Hymn

Putik man ang turing na pinagmulan
larawan ka ngayon ng kariktan at kagandahan
sang’ magandang sisidlan ng biyaya dulot ng may kapal
upang  ating pangalagaan

Koro:
Orion, Orion bayan ka ng Panginoon  
Di magagapi ano mang pagsubok ng panahon
Hangga’t mayro’ng pusong sayo’y handang maglingkod
Naghihintay araw na nakalalulugod

Gat Arellano bantayog ng Bayang ito
naglaan ng panahon nagmahal ng totoo
Tulad nya sayo’y alay ang puso ko
sa mga adhikain  tagumpay mo aking mithiin

Tulay:
Sama samang aawitin
sama samang aabutin
sa pagkakaisa aming mararating

By: Ester Caparas – Mun. Planning Office

Website | + posts