Ang Hulyo ng pangalawang buwan ng pag – aaral ng mga batang mag-aaral pampribado man o pampubliko. Ito rin ang buwan ng nutrisyon. Nagkaroon ng munting programa ang Grade IV – 5 ng Paaralan ng Limay noong Hulyo 27, 2012.
Tamang nutrisyon ang kailangan ng mga batang mag-aaral ng baiting apat pangkat lima upang sila ay maging listo, matalino, masigla, at malusog.
Nagkaroon ng munting palatuntunan ang baitang apat sa loob ng kanilang klase. Pinangunahan ng pagdarasal ni Martina Luna. Nagpaliwanag ang guro nilang si Gng. Ma. Cristina G. Cruz tungkol sa wastong pagkain na dapat kainin ng mga batang tulad nila.
Umawit din ang mga bata ng awiting “Bahay Kubo”. At gumawa sila ng slogan, gaya ng “Kumain ka ng itlog ikaw ay bibilog..”. “Ang Go, Glow at Grow Foods ay laging ihain ng ang utak ay laging magaling”.
At ng huli nagkainan ng pandesal na may malunggay ang mga bata.
Umaasa ang guro ng baiting apat pangkat lima na patuloy na gagawin ng mga bata ang wastong pagkain ng tuloy tuloy na ang kanilang malulusog na pangangatawan.
By: Ma. Cristina G. Cruz | Teacher II | Limay Elementary School, Limay, Bataan