Marahil ay narirnig na ninyo ang mga larong Dota, GTA, Counter Strike, Angry Birds, Chicktionary, Feeding Frenzy, Super Fruit Frolic, Dinner Dash, Gatter Ball, Granny in Paradise, Plants vs. Zombie, Crystal Path at marami pang iba.
Tama! ito ay mga pangalan ng Computer Games na kinakalokohan ng maraming bata na nilalaro nila halos buong maghapon noong bakasyon, at ngayong may pasok na ay tuwing Biyernes ng hapon, maghapon ng Sabado at Linggo, maliban na lang kung sila ay may gawaing pampamilya kagaya ng pagsisimba. Malaya sila mula Biyernes ng hapon hanggang Linggo dahil sila ay walang takdang-aralin na gagawin.
May kabutihan bang naidudulot ang paglalaro ng computer Games sa mga bata?o kasamaan lamang ang maidudulot nito?
1.unang-una ang mga larong ito ay nagdudulot ng pagkasugapa o addiction. maaaring dala ito ng ating katangiang mahilig makipagkumpetensya,upang marating lamang ang pinakamataas na level ng laro,matalo ang kalaban o makakuha ng mataas na iskor.
2.ang mga bata ay dapat mag karoon ng matinding pagkukusang tumigil o pagpipigil sa sarili kung dapat ng tumigil, kung hindi ay sa pagkasugapa mauuwi ito.
3.alamin ang hangganan.bago umupo at maglaro ay magtakda na ng panahon na ikaw ay dapat ng tumigil.kung sinasabi ng isipan mong sige pa ay pilitin mo ang sarili mo na tumayo na palayo sa computer.
4.Mas pag kaukulan ng panahon ang pag-aaral at mga kaibigan na mapagkakatiwalaan ,mahuhusay sa pag aaral at may magagandang ugali:kung mas malaki ang panahon mo sa mga aralin at kaibigan matutuklasan mo na hindi mo na masyadong hahanapin ang computer games. Sinasabing ang makukuha lamang na kabutihan sa paglalaro ng computer games ay nagiging matatag ang kamay at braso samantalang humihina ang pag iisip ng bata,sa pagbabasa at pag-unawa at nagiging magugulatin, madaling mainis at nagiging palaasik ang mga batang sugapa na sa computer games
Narito ang ilang maaaring gawin upang maiwasan ang pagiging sugapa sa computer games:
1.magbasa ng aklat na nababagay sa edad mo
2.subukang mag sulat ng tula o kuwento.
3.maglakad-lakad at lumanghap ng sariwang hangin.
4.mag exercise ng buong katawan.
5.anuman ang iyong gagawin ay siguraduhin na magdudulot ito ng magandang pagbabago saiyo at sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Huwag hayaang maging biktima ka at ibilanggo ng COMPUTER GAMES.
By: MR. CLARO TRIA DE CASTRO | Teacher III | Asuncion Consunji Elementary School, , Samal, Bataan (Former Imelda Elementary School)