Naging matunog sa sambayanan ang kasalukuyang programang Department of Education — ang K to 12 PROGRAM. Hindi naman ito bago sa pandinig, sa katunayan, una itong sumikat sa tawag na K-12, ginawang K+12, hanggang sa huli, naging K to 12 na ang taguri sa programang ito. Pero ang mga taga-Orion, nais pang ito ay mas malalim na busisiin at alamin upang higit pang maunawaan kung paano makabubuti sa edukasyon ng mga kabataan ng Udyong.

Anoang K to 12 Program?

—ito ay ang bagong kurikulum ng Dep-Ed kung saan ang basic education ay magsisimula sa Kinder hanggang sa Grade 12. Ang Grade 1 hanggang 6 ay sa elementarya, Grade 7 – 10 ay sa Junior High School at ang Grade 11 at 12 ay sa Senior High School, sa kabuuang 13 taon ng Basic Education.

Kailan ito sisimulan? Sino ang mga unang makikinabang sa programang ito?

—Ang pioneer batch ay ang mga Grade 1 at Grade 7 ng SY 2012-2013. Ang unang batch naman ng mga Grade 11/HS Year 5 ay sa SY 2016-2017 samantalang ang Grade 12/HS Year 6 ay sa SY 2017-2018. Sa makatuwid, ang unang ga-graduate ng K to 12 program ay sa marso 2018.

Ang Kinder ba ay kailangan bago makapag-Grade 1 ang bata?

—Oo, alinsunod sa Republic Act 10157 o ang Kindergarten Education Act, ang Kinder ay minamandato na maging bahagi ng basic Education at isang pre-requisite sa pagpasok sa Grade 1

Bakit mas mainam ang K to 12 kaysa sa nakaraang kurikulum?

ang mga aralin ay mailalahad sa 12 taon kumpara sa dating 10 taon lamang. Mas mabibigyan ng panahon ang mga mag-aaral na matutunan ang mga competencies. Bukod pa dito, maiibsan ang bigat ng pasanin ng mga magulang na dulot ng pagpapa-aral sa kolehiyo dahil sa oras na makatapos ng Grade 12 ang bata, handa na siya sa pagtatrabaho dahil nasa legal na edad na siya (18 taong gulang), at may kakayahan na siya sa pagtatrabaho sapagkat kasama sa kurikulum ng Grade 11 at 12 ang mga asignatura para sa skills at competencies na kailangan nya para sa anumang kurso na nais nya sa kolehiyo. Kundi man siya makapagpatuloy sa kolehiyo, ang kurikulum ay nagbibigay ng kaukulang pagsasanay, sa pakikipagtulungan ng TESDA, upang magkaroon siya ng Certificate of Competency at National certification na magagamit nya sa paghahanap ng trabaho.

Paanomalalamankunganonmgasignatura (specialization) angkukuninngmgabatasa Grade 11 at 12?

—bibigyanng assessment o evaluation ang mga mag-aaral upang matiyak ang kanilang mga interes at potensyal. Kasama sa evaluation na ito ang Aptitude Test, Career Assessment, at occupational Interest Inventory na siyang tutulong sa mag-aaral upang tiyakin at alamin ang kanilang specialization para sa Senior High School.

Ipatutupad din ba ang K to 12 sa private schools?

—dahil ang mga private schools ay nasa ilalim din ng pamamahala ng Dep-Ed, sila man ay susunod sa programang ito. Mayroon mang konting pagkakaiba sa kanilang sistemang pagpapatupad, importanteng malaman natin na ang mga tag-pribadong paaralan ay kasama sa mga nagpanukalang programang ito. Kung sisilipin natin, maraming private schools ang dati pang nagpapatupad ng 12 taon ng basic education— 2 taon sa pre-elementary, 6-7 taon sa elementarya at 4 na taon sa high school.

May dagdag na gastos ba ito para sa mga magulang?

—ang Senior High School ay libre para sa mga pampublikong paaralan. Bukod pa dito, dahil sa specialization curriculum naibibigay sa Senior High School, iniisip ng CHED (Commission on Higher Education) na paikliin ang ilang kurso sa kolehiyo. Ang mga magtatapos ng Senior High School ay mabibigyan ng skills at technical-vocational know-how kung kaya’t maaari na silang mapasok agad sa trabaho.

 

Inaasahan po na ang mga naging paliwanag tungkol sa K to 12 Program ay magiging dahilan upang tayong mga tag-Udyong ay sumuporta sa bagong kurikulom na ito ng Dep-Ed. Sapagkat walang ninais ang ating pamahalaan kundi ang lalong ikabubuti ng kanyang mamamayan.

By: MRS. ANNA MARIE PASCUAL-VITANGCOL | ESHT I | PALILI ELEMENTARY SCHOOL

Website | + posts