Kamakailan ay ipinalaganap na sa buong paaralan maging sa ating baranagay ang mga basurang tinatakan ng “ Nabubulok” at “Di Nabubulok” bilang bahagi ng pagtugon sa pangako na inihayag na pagsuporta sa Solid Waste Manangement Project.
Nakakatuwa kung ang proyektong ito ay maisasakatuparan upang labanan ang isang problemang lumalalang problemang epekto ng kawalang disiplina.At karapat-dapat na tayo ay maging seryoso tungkol ditto.
Maganda ang paraang ito, kaya nasa atin na ngayon kung paiiralin na naman natin bilang mag-aaral ang ugali nating parang pako na kung hindi pukpukin ay hindi lulubog.
Masakit mang isipin pero ganito tayo ngayon sa maraming aspeto n gating buhay bilang mag-aaral.
Lagi sana nating tandaan kahit na tayo ay nasa Computer Age World na, nananatiling ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan. Ang katuparan ng anumang proyekto ay nakasalalay sa ating mga kamay.
Itanim natin sa ating isipan na tanging sa disiplina lamang natin makakamit ang kaunlaran at tagumpay para sa ating kinabukasan.
By: Ms. Evangeline S. Guzman | Teacher I | Sto. Domingo Elementary School