Ang distrito ng Orion ay hindi lamang nakatutok sa galing pang-akademika ng bawat bata, bagkus binibigyang pansin din ang galing ng bawat bata sa larangan ng isports.
Kaya ang nasabing distrito ay masayang naidaos ang District Meet, noong ika-12 at ika-13 ng Oktubre taong kasalukuyan.Iba’t ibang laro o isports ang nilahukan ng labintatlong paaralan,kabilang sa mga ito ay ang paaraan : Bantan, Calungusan, Camachile, Sto.Domingo, Capunitan, Bilolo, Sabatan, Daan Pare, Eva-Aeta, Sta. Elena, Puting buhangin, Pablo Roman at paaralan ng Orion na kung saan dito ginanap ang pagbubukas ng palaro at ang ibat ibang events tulad ng mga sumusunod: volleyball, badminton, sepak ,Athletics, table tennis at chess.
Ang Pagsisimula ng palaro ay pinangunahan nga butihing ama ng distrito ng Orion sa Katauhan ni Ginoong Marcelino R. Zulueta.
Ang bawat batang manalaro ay nagpakita ng kani kaniyang galing sa larangan ng isports.Kaya naman bawat isang manlalarong nagwagi at natao ay umuwing may ngiti sa labi dahil sa sayang kanilang naranasan sa paglahok sa nasabing palaro.
By: Ms. Sally B. Clemente | Teacher I | Sto. Elementary School, Orion, Bataan