Kabataan ………..Pag-asa ng Bayan?Ang palasak na kasabihang ito namutawi sa labi ng ating magiting na bayaning si Gat Jose Rizal . Sinabi nya ito sapagkat taglay ng kabataan ang pambihirang lakas at talino na makatutulong sa pag-unlad ng ating bayan . Sila ang bagong pag-asa na papalit sa kasalukuyang henerasyon.Ngunit paano na kung ang mga kabataang ito na ating sandigan ay parang isang mabuway na pader na anumang oras ay maaring magiba ? Nakakalungkot isipin napakaraming kabataan ngayon ay nagugumon sa bisyo tulad ng alak,sugal at sigarilyo at ang pinakamalala pa ay ang bawal na gamot na sumisira sa kanilang katinuan at mga pangarap. Wala na rin ang dating magandang tatak ng kabataang dalagang Pilipina na ehemplo ng kahinhinan at kadisentehan . Hindi na mabilang ang mga kababaihang mapupusok na sumasabak sa pre-martial sex kaya’t nagdadalan tao na bago pa man lang ikasal at ang mas nakakalungkot ay hindi na kalianman pinakakasalan,kaya’t napapabilang sa mga dalagang ina.Ngayon naman ay gusto nilang tuklasin ang kasiyahang hatid ng pagsali sa mga Fraternity o Brotherhood kahit dulot nito’y kapahamakan at kamatayan . Nasaan na ang mga kabataang dinakila sa alaala ng ating mga bayani na magpapatuloy sa kanilang masidhing mithiin sa ikauunlad ng bayan?
Sana ang ating mga kabataan sa ngayon ay magkaroon ng matalinong pagpili ng mga mabubuting values o pagpapahalaga sa mga magagandang pangarap at layuning magsilbing prayoridad nila sa buhay hindi lamang sa pamilya at higit sa lahat , ating bayan! Ikaw…………kabilang ka ba sa kabataang tunay na pag-asa ng ating bayan?
“My Dreams”Mrs. Lily Grace F. Santos
By: Mrs. Lily Grace F. Santos