“ Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan,” linyang winika ni Gat Jose Rizal na kung iyong pagninilay-nilayan ito ay mga pangarap niya sa mga kabataan upang maging matagumpayan at maging bahagi ng pag-unlad ng ating bayan.
Simple lamang kung tutuusin. Tanging ang edukasyon lamang ang tanging pag-asa ng mga kabataan upang sumulong o dili kaya’y makisabay sa agos ng modernong takbo ng buhay.May kaibahan ba ang edukasyon noon at sa edukasyon sa kasalukuyan ?
Ang edukasyon noon ay tulad ng pagpasok ng isang baka sa butas ng karayom. Sabihin pa ba ang pagpalit-palit ng mga dayuhang namumuno, na kadalasan pa nga ay siyang nagsisilbing guro tulad ng mga Kastila, sinundan ng mga Amerkano at mga Hapon. Nakakalito, iba’t-ibang sistema ng edukasyon. Lalo na nung panahon ni Padre Damaso. Pawang mga ekslusibo ang paraan ng pag-aaral.
Ang mga nasa alta-sosyedad lamang ang nakakapapasok at nakatutuntong sa paaralan. Ang mga indiyo at mahihirap ay nagmimistulang alipin ng edukasyon gayundin nung panahon ng mga Amerkano,pinipilit ang lahat na magsalita ng Ingles gayung sila ang nagtuturo upang ang mga Pilipinas ay maging bansang demokratiko.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unti itong nabago.Dala ng modernisasyon,makabagong teknolohiya at mga istralehiya ng pag-aaral ang edukasyon ngayon ay makulay, masining, maalam at maunlad. Ginagamit ang demokratiko ng kaisipan may malayang pagdedesisyon tungkol sa mga bagay-bagay kung paano ka uunlad bilang isang tao at ang pagsasagawa ng mga gawi sa pag-angat kung paano mapapaunlad ang sarili, ang bayan at ang bansa.
By: MRS. JULIETA S. REFUERZO | Teacher III | LALAWIGAN ELEMENTARY SCHOOL SAMAL, BATAAN