MP3 , CD, DVD , USB, Laptop , Iphone, Tablet at marami pang mga bagong gadgets ang patuloy na ipinakikilala ng makabagong teknolohiya. Sinasabing malaki ang naidudulot nito sa mga tao . Napapabilis diumano ang mga gawain sa bahay , opisina at maging sa paaralan. Naaalala ko tuloy ang sinabi ng isa sa mga guro ko sa graduate studies “ Darating ang araw , pati mga malls wala na , kasi lahat ng negosyo puro on-line na”. Nakakatuwa dahil sa pag – unlad ng tekno;ohiya , umaangat din ang ekonomiya ng bansa , Ngunit tila may aspeto din na labis na naaapektuhan ng teknolohiya.
Sa tuwing naririnig natin sa mga namumuno sa sistema ng edukasyon na dapat nating iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa, ipinakikilala nila ang iba’t – ibang programa na ayon sa kanila ay makakatulong sa guro ngunit sa katotohan ay mas lalo pa nagpaburyong sa pagod na isipan ng mga guro lalo na sa mga nasa panahon na malapit na magretiro.
At sa aking sariling pag – aanalisa bilang guro , teknolohiya din ang dapat na sisihin sa patamad na patamad na mga mag –aaral . Noong wala pa ang teknolohiya , kailangang pagsumikapan ng mga mag -0aaral ang kanilang mga proyekto upang maunawaan at matapos. Samantalang ngayon , isang click sabay print , presto!!! Tapos na. Maagang natapis ngunit walang naintindihan. Wala na din maging ang atudy habits ng mga bata . Nauubos na ang kanilang panahon sa friendster , twitter at FB. Hi- tech na naturingan , ano naman ang naging kabayaran ?
By: Ms. Rosario T. Rodrigo | Teacher III