‘’Sila’y ituring na bayani, at gawing inspirasyon sa habang panahon.’’
Sa pagpapakahulugan sa salawikaing ito, mahalin natin at pahalagahan ang bawat araw na ginugugol nila para tayo maturuan.
Hangaan natin sila sa pagiging masipag,mapag-kalinga, at may pagmamahal sa mga mag-aaral upang sila’y maging matagumpay na mamamayan pagdating ng araw.
Buong panahon ay ginugugol nila sa paaralan, gumigising ng maaga,naghahanda para sa mga bagay na ituturo,nag-aasikaso sa mga problema sa silid-aralan, ang mga ito ay ilan lamang sa mga gawaing ginagawa at isinasakatuparan para sa mga mag-aaral na tinuturuan.
Kung nakapagsasalita naman ng masama ang guro, iyon ay pagmamahal nila sa atin upang tayo ay di malihis sa maling landas ng buhay.
Huwag nating ituring na iba, kung hindi ituring nating ama o ina sa ating paaralan ang ating mga guro.
Ang pinakamasaya sa buhay ng guro ay ang maging matagumpay ang bawat mag-aaral na kanilang tinuturuan.
Hindi sapat ang kumita, kung hindi ang tapat at dalisay na paglilingkod sa ating paaralan, ang bagay na pinakamahalaga.
By: Ms. Estrellita A. Espiritu | Lamao National High School