“ Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Gasgas na nga yatang maituturing ang pahayag na ito n gating pamabansang bayaning s Dr. Jose Rizal. Hindi lang minsan ito ay binanggit ng hindi na mabilang na mambibigkas o ginagamit ng mga manunulat. Ngunit bagamat palasak ng tila yata hindi pa rin nauunawaan ng marami sa ating mga kabataan ang tunay na kahulugan nito.
Sa pahayag na ito, ipinahihiwatig ni Rizal ang kanyang matibay na pagtitiwala sa mga kabataan
Batid niyang taglay nating mga kabataan ang mga likas na kakayahang kailangan upang maging mabubuti’t produktibong mamamayan ng bansa.Subalit sa kasalukuyan, ang mga magagandang pagpapahalagang panlipunan ay waring mabilis na nadurungisan ng maling pagkilala sa makabagong kabihasnan nating mga kabataan. Ang maling pag-angkin sa mga banyagang kaugalian ang lumikha sa ating mga kabataan ng katalinihan at pagkakahati-hati. Masdan na lang nating ang mga nangyayari sa marami sa atin. Samantalang ang iba pa ay patuloy na nakikisangkot sa pagpapaunlad n gating bansa. Ang iba naman ay walang ginagawa kundi buwagin ang kasalukuyanng demokratikong kaayusan. Samantalang ang iba naman sa atin ay kumikilala sa ating mga tungkulin at pananagutan, ang iba naman ay halos abusuhin ang demokratikong kaluwagang tinatamasa natin. Samantalang ang iba sa atin ay nagsusumikap na makatulong na makabuo ng bansang matatag at maipagkakapuring, ang iba naman ay patuloy na yumayakap sa ibang idelohiyang salungat sa kinikilalang nating idelohiya.
Taimtim ang aking hangarin at paghahangad na mapanatili nating kabataan ang katangian ng molave- matibay ,patuloy sa pagtaas at pagyabong, hindi nasisindak sa sigwa, may makapit na ugat at nagtitiwala sa sariling lakas. Kaya’t sa ngalan ng mga kinakatawan ninyong mga kabataan tanggapin ninyo ang mga pananagutang nakaatang sa inyong mga balikat at harapain ninyo ang mga hamon sa inyong henerasyon. Simulan ninyo ngayon mga kabataan ang paghubog sa inyong mapayapa at masaganang buhay at simulan ninyo ang pagbabago ng inyong sarili.
By: Ms. Evangeline S. Guzman | Teacher I | Sto. Domingo Elementary School