Karamihan sa atin ngayon ay nawawala na ang pagiging matapat at ang kapalit nito ay kaplastikan.Karaniwan na ang mga gawaing ito na may kasamang “hidden agenda “na nagiging palasak na saan mang ahensya ng ating pamahalaan. Ang pagiging totoo ay nagdudulot ng kasiyahan sapagkat nagiging magaan ang ating pakiramdam,malinis ang konsensya at walang kinatatakutan. Nakalulungkot lamang at napakasakit tangg
apin na ang isang naging matapat sa iyo ay niloloko mo lamang pala! Hindi ba karuwagan ito? Katraiduran ? Kung magiging ganito ang pakikitungo natin sa iba,sila’y lalayo sa oras ng ating pangangailangan.
Ang mga taong hindi matapat ay maaring maramot at masyadong mapagmahal sa kanilang mga sarili na walang magaling kundi sila at ito ang labis ang pagkabilib sa sarili.Mahirap baguhin at pagsabihan ang mga taong ganito. Kinakailangan nila ang lakas ng loob at sariling pagsisikap upang makamit ang pagbabago na sasamahan pa ng tulong ng mga kamag-anak at ang mga taong nakapaligid sa kanya. Dapat siyang tulungan na maging matapat sa pag-iisip, sa salita at sa gawa.
Samakatuwid, ang taong hindi matapat ay walang mabuting kalalabasan sa pakikisalamuha sa kapwa sapagkat magiging walang kabuluhan.
By: MRS. JULIETA S. REFUERZO | Teacher III | LALAWIGAN ELEMENTARY SCHOOL SAMAL, BATAAN