Malusog na katawan at malusog na isipan , paano makakamit ng mga bata kung nutrisyon ay hindi sapat? Sino ang dapat managot sa suliranin sa nutrisyon?

Ang patuloy na pagbaba ng halaga ng piso at ang walang katapusang pagtaas ng

Presyo ng bilihin ang lalong nagpapahirap sa mga mahihirap

 

Ang kita ng pangkaraniwang manggagawa ay hindi sumasapat upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya sa pagkain

tulad ng bigas,karne,gulay,prutas,gatas at iba pa. Ito ay nangangahulugan na hindi

nakukuha ng mag – ank ang sustansiyang kailangan na nagmumula sa balanseng pagkain.

 

 Ang resulta, mga mag – aaral na kulang sa timbang.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng masusustansiyang pagkain. Dito nanggagaling ang lakas para sa pagtatrabaho o paglalaro. Ito rin ay kailangan para sa pagkakaroon ng malusog na isipan. Ang kakulangan lalo na ang kawalan ng tamang nutrisyon ang nagpapahina ng resistensya ng katawan laban sa impeksyon at mikrobyo kung kaya’t madaling dapuan ng sakit ng mga bata.

Isa pa sa dahilan ng suliranin sa nutrisyon ay ang kakulangan sa kaalaman ng ilang mga magulang sa wastong nutrisyon. Ang iba naman kahit gusto nilang maibigay ang tamang nutrisyon wala silang magawa sapagkat di talaga kaya ng badyet.

By: Agnes M. Fajardo, Teacher III Casupanan Elem. School

Website | + posts