Noong tayo ay nasa elementary pa lamang at maging s hayskul man ay pinasulat na tayo ng ating mga guro ng komposisyon na may pamagat na “ My Best Friend” sa Ingles o “ Ang matalik kong Kaibigan”sa asignaturang Filipino.
Ang sabi ni Clarence The Angel, “ No man is a failure who has friends.” Totoong totoo ang kasabigan ito, di lamang sa ating bansa maaring sa buong mundo man. Bakit? Ano ba ang ginagampanan ng isang matalik na kaibigan sa ating buhay. Marami ang nagsasabi na ang isang matalik na kaibigan ay nariririyan sa tabi mo anumang oras mo siya kailanganin. Nagbibigay siya ng kasiyahan at sigla sa ating buhay. Pinakamahalaga ay naibibigay ang mapanghahawakang suporta at apirmasyon. Binibigay din niya ang matapat na opinion at ideya tungkol sa iyong mga plano at pangarap. Kung ikaw ay inaatake ng depresyon at problema nandyan siya at naibabalik niya ang ating mga paa sa mundo sa lupa. Nasasabi mo din ang lahat ng ating mga saloobin at naibibigay niya ang mga matapat niyang mga isipin.
Ano naman kaya ang mangyayari kung ang akin munang sarili ang aking gawing tunay na kaibigan sa pamamagitan ng pagtupad sa mga prinsipyo ng mga tunay na magkakaibigan? Ating subukan ang mga sumusunod sa ating sarili:
1. Huwag mong husgahan at sisihin ang iyong sarili. Kagaya ng isang tunay na kaibigan, huwag agada husgahan o sisishin ang isang kaibigang nagkamali. Kung hindi mo agad mapatawad ang iyong sarili, ay bababa ang pagkilala mo sa iyong sarili. Ikaw n a mismo ay nagbibigay hadlang at nagpapawalang halaga sa mga mahahalagang pagkakataon.
2. Dapat maging palaging matapat at timbang ang lahat ng sinasabi at iniisip ng ating mga sarili.Dapat tayong magkaroon ng tiwala. Alam natin kung ano ang gusto nating marinig kaya magtiwala. Walang ibang nakakikilala sa ating sarili. kundi tayo rin. Kagaya ng pagiging matapat sa kaibigan maging matapat din tayo sa ating sarili
3. Gawing isang hamon ang ating iniisip at kinikilos. Kung kaya mong mabigyan ng payo ang isang nalilisyang kaibigan, kailangan ang sarili mo muna ang gabayan sa pagtahak ng tamang landas.
4. Matutong maging masaya at tumawa sa sarili. Ang tao daw na madaling matuwa o tumawa ang kayang dalhin ang mga sarili niyang problema.
5. Kung ikaw ay tapat na kaibigan ng iyong sarili, ikaw ay may balanseng pamumuhay na magiging kapakipakinabang , sa pamilya,sa kaibigan at sa mga katrabaho. Sabi nga ng mga kabataan “BFF” tayo.
By: Viola T.De Guzman | DEPED Bataan