Ang Sibika at Kultura para sa una hanggang ikatlong baitang o Herograpiya Kasaysayan at Sibika naman para sa Ika-apat hanggang ikalimang baitang ay isa sa asignaturang bumubuo sa Makabayan. Ang oras na nakalaan sa pagtuturo nito ay maikli lamang at bukod sa maikling oras nito,ito ay itinuturing na pinakanakakatamad na asignatura ng mga mag-aaral.Kung kaya’t kinakailangan ng mga Guro ng iba’t ibang estratehiya na magagamit nila sa kanilang pagtuturo na kawili-wili ngunit magiging daan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Narito ang ilang paraan upang lalong maging makabuluhan ang inyong pagtuturo.
Story PyramidIbuod ang isang kwento sa anyong piramide sa ayos naang bilang ng mga salita ay dumarami tulad ng pagdami ngbilang ng mga linya. In the NewsIsa itong peer teaching approach na magbibigay ng karagdagang materyal at impormasyon na maibabahagi samga mag-aaral.Magpadala sa mga mag-aaral ng mga artikulo, newsitems, editoryal, at mga cartoon na may kaugnayan sa aralin.Pangkatin ang klase at ibahagi ang dalang artikulo at aytemsa kanilang kamag-aral at pumili ng dalawa o tatlo rito nakanilang nagustuhan.Magtipon muli ang buong klase at ipabahagi sa bawatpangkat ang kanilang napiling aytem. Makinig sa mahahalagang puntos na iniulat ng mga pangkat. Gamitin itong impormasyonupang pasimulan ang talakayan sa klase BrainstormingLayunin nito na tulungan ang mga mag-aaral na makagawang orihinal na solusyon sa mga suliranin. Hinihikayat nito angmga mag-aaral na magbigay ng maraming sagot sa suliraning binibigyang-tuon. Ilan sa mga tuntunin na dapat sundin sa brainstormingang sumusunod:a. Pagbibigay ng isang suliranin ng mga mag-aaral nakanilang bibigyang-tuon.b. Mabilis na pagbibigay ng mag-aaral ng mga ideya.Kailangang gawin ito nang mabilis tulad ng isang bagyo o a storm of the brainc. Huwag magbigay ng mga puna maging ito ay positiboo negatibo man sa mga binibigay na mga ideya. Lahatng ideya ay tatanggapin.
Inside-OutsideMaaaring pangkatin ang klase sa dalawa o tatlo batay sa bilang ng mga mag-aaral sa klase. Gumawa ng bilog sa gitnang klase. May isang pangkat na nasa loob at isang pangkat sa labas ng binubuong bilog. Tungkulin ng bawat kasapi ngpangkat na nasa labas na pagmasdan ang mga kasapi nanasa loob. Ang pangkat na nasa loob ay ang magtatalakay ngpaksa. Pagkatapos gampanan ng bawat pangkat ang kanilang tungkulin, magpapalitan ng tungkulin ang mga pangkat. Higitna nagiging produktibo ang mga mag-aaral na nabibigyan ngpagkakataon na lumahok sa ganitong gawain at napapalakasang kanilang kasanayan sa pangkatang GawainK-W-L Technique K-now W-ant L-earnIsa itong paraan na bago pa simulant ang bagong aralin inaalam na kung may alam na ang mag-aaral tungkol dito, pagkatapos inaalam naman ang nais matutuhan ng mag-aaralsa bagong aralin. Pagkatapos na mapag-aralan ang bagong aralin tinatanong naman kung ano ang natutunan tungkol dito. (Ano ang alam ?Ano ang gustongmapag-aralan? Ano ang natutuhan?)
Activity Card Ang activity card na inihanda ng guro ay nakatuonsa mga layunin. May mga mungkahing gawain ito kungpaano matatamo ang mga layunin. Maaaring gamitin ang activity card sa iba’t ibang paraan. Maaaring bigyan ng isang activity card ang isang mag-aaral ayon sa kanyang interes onatatanging pangangailangan. Maaari ding hayaang pumiliang mag-aaral ng isang activity card tungkol sa isang paksangaralin
KasoPagsusuri ito sa suliranin, pasya, o aksyon. Ilan sa mgaparaan at gamit sa mga kaso ang sumusunod:a. Mga aklat na nagpapaliwanag ng kadahilananb. Dokumento na nagpapakita ng pinagmulan ng isanglugar, bagay, o institusyonc. Mga kwento na maaaring totoo o hindid. Datos mula sa pananaliksik na ginagamit napatunay na nagpapakita ng isang bahagi ngkaranasan na ginagamit upang makabuo ngkonklusyon tungkol sa usapin.Mga hakbang na maaaring isagawa sa pag-aaralng kaso.a. Ipabasa ang kaso at isulat sa pisara ang mgamungkahing solusyon sa suliraning tinatalakay sakaso.b. Magtalakayan sa pamamagitan ng pagbasa sa mgaginawang solusyon ng mga mag-aaral.c. Tiyakin na nauunawaan ng lahat ang bawat isyu namaririnig at ang lahat ng paniniwala, isyu, at ang mgasolusyong iniharap ay makatwiran.d. Ipabuod ang bawat isyu..Unfinished Story o Reaction Story Ginagamit ito bilang pampasigla sa pagganap saisang sitwasyon. Ipakikita ng mga mag-aaral ang kanilanggagawin kung sakaling kasangkot sila sa isang pangyayari.Ikukwento ng isa o dalawang mag-aaral ang tungkol sa isangsuliranin. Pagkatapos mapakinggan ang kwento tungkol saisang suliranin, isasadula ng mga mag-aaral ang solusyon.Susundan ito ng pagkuha ng reaksyon/ebalwasyon ng mgamag-aaral sa isinadula.
Larawang-diwaPagkatapos pag-aralan ang isang pangyayari sa kasaysayan,ipapikit ang mga mata ng mga mag-aaral at ipalarawan sa isipang pangyayari. Bigyan ng sapat na panahon na gawin ito ngmga mag-aaral at pagkatapos, tatalakayin ang mga larawangnabuo sa isip. Ibahagi sa klase ang mga ito. Ipaguhit anglarawang nakita sa isip at pag-usapan ito ng mga pangkat TalakayanIto ay palitan ng mga ideya sa pagitan ng mga mag-aaral atng guro o ng pangkat ng mga mag-aaral. Layunin ng talakayanna suriin ang impormasyon upang malinang ang malalim atmalawak na pag-unawa sa isang paksa. Isaalang-alang angsumusunod sa paghahanda ng talakayan sa klase.a. Malinaw na layunin ng talakayan na may kaugnay sapaksang-aralinb. Magbigay ng mga ideya at hikayatin ang mga mag-aaral na magpalitan ng mga ideya at impormasyongkaugnay sa paksa. Ituon ang talakayan sa isang paksa lamang.
UgnayanAng Mapping ay isang paraan ng pagbibigay ng visual image upang makapag-isip at makapagbuo ng ugnayan ng mga ideya angmga mag-aaral. Isa din itong paraan ng pagproseso ng isang kwentoo pangyayari sa kasaysayan.Nalilinang ang ugnayan ng mga kaisipan at impormasyon sa pama-magitan ng pagtatanong at talakayan habang ginagawa ang Ugnayan sa pamamagitan ng mapping. Ang mga chart, graph,diagram ay ilan lamang sa mga epektibongkagamitan sa pagtuturo at pagkatuto. Ang mga ito at ibang graphic material ay itinuturing na isang estratehiya sa pagtuturo ng AralingPanlipunan. Inihahanda ito upang gisingin ang damdamin, ipakitaang katotohanan at ugnayan ng mga bagay sa obhektibong pamamaraan,at linangin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paglutas ng suliranin
Role playingIto ay kusang pagsasanay ng papel na gagampanan saiba’t ibang sitwasyon. Isa itong pangkatang pamamaraan ng paglutas ng suliranin na may bahaging talakayan, pagpapasya,at pagsusuri ng suliranin.Sa role-playing naipapakita ng mga mag-aaral angkanilang tunay na damdamin tungkol sa isang sitwasyono suliranin. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na talakayin at suriin ang mga isyu o suliranin nangwalang kinakatakutan at maging sensitibo sa damdamin ngibang tao.
Assessment- Ang pagtataya ay estratehiya sa pagsukat ng nalalaman, nagawa,kaasalan at saloobin ng mag-aaral. Lumilikom dito ng mga datos namakatutulong sa gagawing pagpapasya sa ebalwasyon. Ang guro ay gumagamit ng tatlong uri ng pagtataya —diagnostic,formative, at summative.
By: Joy Marie Salvador | Teacher I | Duale Elementary School | Limay, Bataan