Image 

 

 

 

Pagbabasa ay isang magandang libangan.  Nakapagpapalawak ito ng kaalaman. Ito ay nakapagtuturo sa mga bata ng maraming bagay, masama man o mabuti.  Kailangan lang ng tamang paggabay.

 

            Sa paaralan, ang pagbabasa ay isang kasanayan para matutuhan ang mga aralin sa iba’t – ibang asignatura.  Ito ay mahalagang sangkap para sa pagkaunawa, pagpili, pag-iisip at pagbasa ng magandang mensahe.  Ang pagbabasa ay bukas sa lahat ng mga salita para sa mga bata.

 

            Ang isang bata ay kailangan maging handa sa pagbabasa at maging handa sa pag-unawa ng kanyang  binabasa para sa pagkakaroon ng magandang karansan sa pagbabasa.  Ang kakulangan sa paghahanda para sa pagbabasa ay walang kasiguruhan kung mauunawaan ang binabasa.  Kailangan ng masusing pagtututro ng mga titik at salita.  Ang pagsasanay sa pagbabasa ay isang pundasyon sa wastong pananalita.

 

            Ang kaalaman sa pagbabasa ay isang mahalaga sa pakikipagtalakayan.  Ito ay malaking bahagi sa pagkatao ng isang bata.  Kaya dapat ang bata ay may magandang kasanayan sa pagbabasa.

 

            Upang maging epektibo ang pagtuturo sa pagbasa kailangan ng iba’t – ibang paraan at istratehiya sa paghihimay ng mga titik at salita sa unang hakbang sa pagkakatuto ng bawat bata.

 

 

 

            Ito ang magiging susi sa pagbukas ng karunungang pang-ispiritwal, sosyal, moral, at mental ng bawat isa, bata man o matanda.

 

By: Ma. Teresa D. Bautista

Website | + posts