Ang silid-aralan ang nagsisilbing ikalawang tahanan para sa mga mag-aaral. Ito ang kanilang nagiging proteskyon sa init at ulan. Dito nila inilalagi ang halos kalahati ng kanilang buong araw.

Ang silid-aralan ay binubuo ng mga upuan na sapat sa bilang ng mga mag-aaral, lamesa ng guro, pisara, telebisyon, electric fan at iba pa. Ito ang bahay ng mga mag-aaral kapag sila ay pumapasok sa eskwelahan. Ang apat na sulok ng silid-aralan ang saksi sa lahat ng pinagdadaanan ng mga mag-aaral, personal man o sa pag-aaral. Dito nila nararanasan ang pag-aaral, kasiyahan, kalungkutan, tampuhan at pagkakaibigan na humuhubog sa kanilang pagkatao. Dito nabubuo kung paano sila makitungo sa kanilang kapwa tao.

Makalipas ang isang taon, ang silid-aralan na naging saksi sa lahat ng kanilang pinagdaanan ay kanilang lilisanin. Ngunit kailanman, ang alaala na iniwan nila sa silid-aralan ay hindi mawawala at magiging magandang alaala na kanilang tatanawin sa kanilang pagbalik.

Mary Ann D. Vasquez | Teacher II| Cupang Integrated School |Balanga City, Bataan
+ posts