Sa loob ng silid-aralan maraming libro o aklat ang ating nakikita, ngunit ano nga ba ang gamit nito? Ito ba ay palamuti lamang kaya’t alikabok ay matatagpuan, makikita at mahahawakan, sa paglipas ng panahon parang ang aklat yata ay nawalan ng dating sa mga mag-aaral nandito na sinisira, pinupunit o inaapak-apakan na lamang ito. Pero alam niyo ba na ito ay malaking tulong sa bawat tao. Tara sabay nating tuklasin ang kahalagahan at gamit ng aklat.

Aklat ang ibig sabihin nito ay isang libro o kahit na anong papel na may pinag sama-samang materyal na nakalimbag o nakasulat ng maayos. Ito din daw ang gamit ng mga tao nuong panahon na wala pang kompyuter upang sila ay makapag-aral at makapagsaliksik. Ito ay nagbibigay ng impormasyon o kaalaman sa mga tao na nakakatulong ng malaki upang sila ay matuto. Maraming uri ng aklat ang ating nakikita sa mga silid-aklatan na may ibat-ibang pamagat at tema, mayroong tungkol sa medisina, arkitektura, teorya at marami pang iba.

Ang Aklat ay nagbibigay karunungan, kaalaman at kamalayan sa bawat taong bumabasa ng aklat. Ito ay nagbibigay ng importanteng impormasyon at detalye na kailangan natin. Ito ay puno ng aral. Sabi nga ang taong mahilig sa aklat ay ang taong matalino.

Kaya’t bigyan halaga ang libro na pinaghirapan ng mga may akda nito upang kayo ay mabigyan ng tamang impormasyon. Ingatan, Alagaan at Mahalin natin ang mga AKLAT na ito huwag hayaang alikabok ang makinabang dito.

PEARL GRACE A. GASPAR/TEACHER II/OUR LADY OF LOURDES ELEMENTARY SCHOOL/BALANGA CITY,BATAAN
+ posts