Pangalawang magulang kung ituring ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.  Huwaran o modelo ang tawag ng karamihan, hindi sa rampahan bagkus sa kabutihang asal.  Kaya naman mataas ang tingin ng iba, kung minsa pa’y perpekto sa paningin nila.  Ngunit ang hindi alam ng karamihan, kaming mga guro ay tao din, tao din na nakadarama at nakararanas tulad ng mga nararanasan nila.  Ramdam namin ang pagod sa buong maghapon, maghapong nakatayo at nagsasalita kaharap ang mga estudyanteng iba’t iba ang pinagmulan, pag-uugali at pagkatao. Guro na hindi lamang pagtuturo ang ginagampanan, kami ay maraming ganap sa buhay. Kami’y guro na handang kumalinga at magmahal ng wagas sa aming mga mag-aaral sa abot ng aming makakaya.  Guro na handang ibigay ang lahat upang maiahon lamang sila sa kamangmangan ng buhay. Guro na handang sumama upang tanglawan ang daan na kanilang tatahakin, makamit lamang nila ang tagumpay. Guro na handang diligan ang kanyang mga binhi upang lumago at magkaroon ng magagandang bunga sa kinabukasan. Guro na handang sumama sa inyong paglalayag at makasama mong sumagwan sa agos ng buhay hanggang sa marating mo ang dalampasigan. Guro na naghihintay na makita kang umaakyat sa entablado habang sinasabi na, Kinaya mo at kakayanin mo pa. Guro na mabigat ang kalooban sa tuwing ika’y nakikita na malulungkot ang mga mata.  Guro na lagi kayong kasama sa mataimtiman panalangin at laging umaasa na makakamtan mo rin ang tagumpay.

Kami’y mga guro, hindi perpekto, nagkakamali din. Guro na hindi sa lahat ng oras ay makakaunawa sa lahat ng pagkakataon na mayroon sa bawat araw.  Guro na mayroong sariling suliranin hindi lamang sa paaralan kundi sa pansarili at pampamilya na kailangang harapin.   Kami’y guro na mayroong sariling pamilya na naghihintay s’min ng kalinga at pag-aaruga.  Kami’y guro na nauubusan din ng lakas kaya nakadarama ng panghihina at kinakailangan ding magpahinga upang lumakas.  Kami’y guro na nangangailangan din na magliwaliw nang sa ganun ay malimutan namin ang aming suliranin.

Kami’y mga guro na naglalaan ng sobrang oras maabot lamang ang pangangailangan mo. Kami’y mga guro na nagpupuyat sa paghahanda ng mga instructional materials at lesson plan maihatid at masunod lamang sa loob ng silid-aralan ang kaayusan at matutunan ang ng bawat mag-aaral ang aralin na inihanda (walang mag-aaral na maiiwan).

Kami’y mga guro na hindi perpekto na humihiling na kami’y unawain din.

Ryan, M.R. & Deci, E.L. (2000). Self-determination theory and the facilitation of intrinsic motivation, social development and well-being. American Psychology, 55(1), 68-78. https://doi.org/10.1037//0003-066X. 55.1.68.

Virola, R.I. (2019). Free education in the Philippines: A con-tinuing saga. International Journal  of Advanced En-gineering Management and Science, 5(4), 238-249  

Ortal. John Rey (2012). The modern teacher, do we need K+12? (Vol 61. Retrieved from:https://www.academia.edu/28624682/KABANATA_I_to_IV

Darling-Hammond, L. (2010). Teacher education and theAmerican future. Journal of teacher education, 61(1-2), 35-47.

+ posts
Eden L. Cruzada|Teacher II|Bataan National High School- SHS|Balanga City Bataan
+ posts