Ayon sa PAGASA nasa dangerous level na ang init ang nararamdaman natin ngayong summer, posibleng umakyat pa ito sa extreme danger kung papalo ang heat index ng 50° celcius pataas.  Heat Index ang tawag sa  init ng panahaon na nadarama ng katawan ng isang  tao.

Ngayong tag-init ang matagal na pagkabilad sa init ng araw ay nagdudulot ng pagsusuka, pagkahilo,  ubo, lagnat, hika, pagdurugo ng ilong, matinding pagpapawis at pagsakit ng ulo.

Narito ang ilang mga paraan ayon sa mga eksperto upang maging komportable at maiwasan ang heat stress/stroke ngayong tag-init.

  1.   Dalasan ang pag-inom ng tubig – Skin is the largest organ of the body, maaari tayong mawalan ng ilang litro ng tubig sa katawan kapag tayo ay nasa labas ng ating tahanan lalo na sa initan. Kailangan ng ating katawan ng tubig kapag mainit ang panahon kaya mas lalo nating kailangang uminom ng tubig malamig man ito. Kailangan nating uminom ng 8 glasses a day at higit pa lalo na sa panahong tag-init.  Ang madalas na pag-inom ng tubig ay nakatutulong sa paglamig ng temperature ng ating katawan. Dahil sa sobrang init na ating nararanasan, nababawasan ang electrolytes at salt ng ating katawan kaya nararapat lamang na ito’y ating palitan sa pamamagitan ng pag inom ng mga inuming sagana sa electrolytes.
  2. Iwasan ang pag-inom ng caffeinated drinks sa tanghali at hapon – Ang pag-inom ng caffeinated beverages lalo na kung ito ay matatamis na inumin ay hindi makatutulong at dapat iwasan dahil ito ay hindi makapapawi ng ating uhaw, bagkus, magdudulot lamang ito ng madalas na pag-ihi.
  3. Magsuot ng komportableng damit – Magsuot ng maluwag at light-colored na mga damit na susuotin, mas tumatagal ang init sa mga dark-colored na damit.
  4. Magbaon ng panganggalang sa sikat ng araw – Ugaliing magdala o magsuot ng pananggalang sa init ng araw tulad ng payong, shade, sombrero at arm sleeve.
  5. Panatilihin ang sirkulasyon ng hangin sa loob ng bahay/paaralan–  Panatilihin bukas ang mga bintana at pintuan sa loob ng bahay upang mapanatili ang sirkulasyon ng hangin at makaiwas sa matinding init ng panahon.
  6. Magpahid ng sunblock – Ito ang iyong magiging proteksyon laban sa  UV Radiation na dulot ng matinding init.
  7. Imonitor ang mga kasamang mas vulnerable sa mainit na panahon– Ito ay ang mga sanggol, matatanda, maliliit na bata, buntis, nagpapasusong ina, may altapresyon, sakit sa puso at baga.

Pimentel D, Berger B, Filiberto D, et al. Water Resources, Agriculture, and the Environment. Ithca (NY): New YorkState College of Agriculture and Life Sciences, Cornell University. Environmental Biology Report, 2004; 1-46

Cepel N, Ergun C. The Importance of Water and its Ecological Problems. 2003

Akin, G. Ecology – Ecologyand Environmental Problems. Ankara:Tiydem Yayincihk. 2009

Barone JJ, Roberts HR. (1996) Caffeine consumption. Food Chem Toxicol 34: 119–129.

J. M. Chin, M. L. Merves, B. A. Goldberger, A. Sampson-Cone, and E. J. Cone, “Caffeine content of brewed teas,” Journal of Analytical Toxicology, vol. 32, no. 8, pp. 702–704, 2008.

S. K. Bhatti, J. H. O’Keefe, and C. J. Lavie, “Coffee and tea,” Current Opinion in Clinical Nutrition and Metabolic Care, vol. 16, no. 6, pp. 688–697, 2013

Palca, J. (July 25, 2012). Summer Science: Clothes Keep You Cool, More or Less. http://www.npr.org/2012/07/25/157302810/summer-science-clothes-keep-you-cool-more-or-less

Bernerd F, Moyal D, Pai SB, Srinivas C. Ultraviolet induced skin damage and its prevention with sunscreen. In: Srinivas C, Verschoore M, editors. Modern Cosmetology Dermatology. 1st ed. Ch. 7. Mumbai: Jaypee Brothers Medical Publishers; 2015. pp. 91–113

Eden L. Cruzada|Teacher II|Bataan National High School- SHS|Balanga City Bataan
+ posts