Dagdag Proteksyon Para sa mga Guro Isulong!

Sinasabi na ang ang mga guro ay silang tumatayong pangalawang magulang sa paaralan. Sila ang mga gumagabay, kumakalinga, nagbibigay ng proteksyon at nagtuturo sa kanilang mag-aaral hindi lamang para maging magaling bumasa, magbilang, magsulat kundi nagtuturo rin ng kagandahang - asal at pag-uugali.  Kung tutuusin ay gasgas at palasak na ang mga linyang ito. Ang mga responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balik at bilang guro ay tinutupad nila nang buong puso at giting. Ngunit kamakailan lang ay naging laman ng mga balita sa radyo, telebisyon at pati sa mga social media ang reklamong dinulog ng isang lola sa programa na “Raffy Tulfo in Action” noong Nobyembre 18, 2019 at may pitong milyong views nasa You Tube. Ayon sa nagrereklamo ay pinahiya at pinalabas ng gurodahil nakalimutan isauli ang report card ng bata. Dagdag pa niya ang pisikal na pang-aabuso ng guro sa kanyang apo. Pagkatapos na mapakinggan ang salaysay ng nagrereklamo ay naging “instant tagalitis” ang host ng programa na ang hatol ay  “guilty” para sa pobreng guro.

Nakakalungkot na pangyayari hindi ba? Matapos ang ilang taon na pag-aaral ng guro sa kolehiyo at maraming panahon na pagsisilbi sa bayan ay pagtatanggal na lisensiya ang kanyang naging “death sentence”.  Ano kaya ang naging basehan ng host ng programa sa sinapit ng kaawa-awang guro.  Ngunit pakatapos ito mapalabas at mapanuod ay “instant celeb” ang guro na para bang siya bida sa isang teleserye o pelikula. Umani ng mga batikos at puna ang host ng programa at ang mismong nagrereklamo kung baga ay sila naging “kontrabida” sa nasabing pelikula.

   Kung susuriin ang eksenang ito ay isa itong taliwas na iskrip na nakasulat sa Magna Carta For Public School Teachers under Republic Act No. 4670 June 18, 1966 section 9 na “Anumang administratibong kaso laban sa guro ay kailangan munang bumuo ng isang komite na binubuo ng mga miyembro mula sa Kagawaran ng Edukasyon.” Malinaw na hindi na napangalagaan ang karapatan ng guro. Ayon nga sa grupong ACT o Alliance of Concerned Teachers na nagkaroon ng trial by publicity, unfair, malicious at injudicious ang nasabing programa. Dagdag pa ng DepED o Department of Education na dapat at kailangang magkaroon ng “due process of law” ang guro para sa isyung ito. Nakasaad din sa House Bill 58 ng DepEd na naglalaman ng mga polisiya at mga gabay tungkol sa pagdidisiplina at kapakanan ng guro at mag-aaral na maaring gamiting batayan.

Dagdag  pa rito para maiwasan ang mga pang-aabuso at pang-aapi sa mga guro ay nagkaroon ng panukala ang ACT na anumang pagdidisiplina ng guro sa kanyang mga mag-aaaral ay hindi masasabing “grounds” sa umiiral na batas na Republic Act No 7610 na “Child Abuse Law.”

Panahon na upang magkaroon ng dagdag batas at proteksyon para sa mga guro upang hindi na paulit-ulit na mangyari ang nasabing “bangungot” na ito.


Print   Email