Safer Internet Day with a national Theme "Bagong Normal: Ligtas na Internet for All!"

Sa New Normal , On THE Go ( OTG )!

ON THE GO (OTG), isang device o gamit na hindi mahalaga sa iba pero sa mga mag-aaral ay sobrang halaga nito. Dito nakapaloob ang lahat ng mga aralin at task na ibibigay ng mga guro. Sa new normal na ating tinatahak ngayon, isang munting bagay ito na ginagamit  ngayon sa  pag-aaral. Malaki ang maitutulong nito, dahil dito malinaw naming maiintindihan  ang  mga aralin. Nakakatulong din ito upang mapalawak pa ang aming kaalaman ukol sa aralin na  tinatalakay. Makakapag balik-tanaw ka din kung meron kang nalagpasan na aralin kung ito ang ating gamit.

    Ang mag-aaral ay  nanibago sa bagong sistema na ipinapairal ngayong may pandemya. Pero sa tulong ng OTG nauunawaan  ko ng tama ang aking mga aralin. Mahalaga para sa aming mga estudyante na matapos namin ng maayos at makapagpasa ng aralin sa tamang panahon at oras. Malaki din ang naitulong ng otg sa pagpapaunlad ng edukasyon sa kasalukuyan. Ang OTG ang naging  paraan upang maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral ngayong walang face to face classes.

Ito ay isang kagamitan na maliit man pero mabigat ang mga nilalaman. Sa ating New Normal ito ang nagiging bag natin na naglalaman ng mga kagamitan natin sa pag-aaral. Ang mga mag-aaral ay namumulat ngayon sa panibagong sistema ng kanilang pag-aaral ganon din ang mga magulang. Maraming pagbabago na dapat nating yakapin pero ang antas ng karunungan na dapat makamit ng bawat bata ay mananatili.