Handa ka na ba?

Handa ka na ba sa mabilis na pag-usad ng panahon?

Mga daho’y mabilis lumalapag halos di makaahon.

Sasayangin mo ba ang pagkakataon?

Gawin ang Mabuti, magdesisyon na ngayon.

Handa ka na ba?

Sa mga suliraning sa iyo’y bumabalot;

Mga problemang sunod-sunod nagbibigay dagok;

Pasan-pasan iba’t ibang pagsubok;

Makakaahon pa ba? Kahit na ika’y lugmok.

Sadyang pinaikli, panahon ay nagmamadali;

Dapat maging handa sa bawat sandal;

Huwag bigyang puwang ang pag-aatubili;

Sumulong! Maging handa kang parati.