Mga mag-aaral ng Bataan National High School

Kulang ang mga salitang bibitiwan upang maipadama ang anararamdaman

Kaming mga guro ay naririto lng upamg kayo ay turuan at gabayan

Mga guro ay pangalawang magulang na dapat igalang

Ngunit bakit me nga mag—aaral na halos waring nawawalan ng galang

Kaming mga guro ang katuwang pagdating sa pag-aaral

Di titigil hanggat  hindi natuutunan ang leksyong ibinibigay

Anumang ugali ng mag-aaral ay kayang pagpasensyahan

Sapagkat tungkuling sinumpaan hindi kakalimutan

Pagmamahal sa propesyon at sa mga  mag-aaral  ay lubusan

Hindi alintana ang pagod at hirap na nararanasan

Makita lamang na me naibigay na karunungan

Sa mga mag-aaral na buong panahon ay inilaan

Walang hinihinging kapalit at hindi mababayaran

Dedikasyon ng isang guro sa kanyang mga mag-aaral

Makita at malaman lamang na sila ay nabigyan ng aral

At maging matagumpay sa kahit anong larangang pasukan

Search

Go to top